MGA PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA (PART II)
May mga pangungusap sa wikang Filipino
na maikli lamang at walang paksa ngunit may buong diwa. Ang mga pangungusap na
ito ay:
a.
Kapandiwa – Nagsasaad ito ng katatapos na kilos
o pangyayari at kadalasang nagtatapos sa lang/lamang.
Halimbawa:
•
Katatapos lang ng tanghalian.
•
Kapapanalo lang niya.
b.
Pambating panlipunan – Nagsasaad ng magagalang na
pananalita o ekspresyon na mahalaga sa pakikipagkapwa-tao.
Halimbawa:
•
Maraming salamat po.
•
Mabuti naman.
•
Tao po.
c. Panawag – Maaari itong iisang salita lamang o pantawag.
Halimbawa:
•
Inay!
•
Ale!
•
Halika!
d.
Pandamdam – Nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa:
•
Ano ba!
•
Alis na!
•
Ang ganda!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento