MGA PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA (PART I)
May mga pangungusap sa wikang Filipino
na maikli lamang at walang paksangun it may buong diwa. Ang mga pangungusap na
ito ay:
a.
Penomenal – Tumutukoy sa mga kalagayan o
pangyayaring pangkalikasan o kapaligiran
Halimbawa:
•
Napakainit.
•
May bagyo.
•
Mahangin sa labas.
b.
Temporal – Tumutukoy ito sa mga kalagayan o
panahong pansamantala o panandalian tulad ng araw, petsa, oras, panahon, o
okasyon
Halimbawa:
•
Kaarawan niya.
•
Gabi na
•
Tag-ulan na.
c.
Eksistensyal – Tumutukoy ito sa pagkakaroon o wala
Halimbawa:
•
Walang isda.
•
Marami nang mag-aaral.
•
May darating pa.
d. Modal – Nagsasaad ng gusto, nais, ibig, puwede, maaari, dapat, at
kailangan.
Halimbawa:
•
Gusto ko ng kulay pula.
•
Kailangang malinis.
•
Puwedeng pumila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento