PRINSIPE RODANTE
(Komedya o Moro-moro)
ni Max Allanigue
Unang
Tagpo
Ang siping ito ay nang magdaos ng torneo para sa kamay ni
Florinda.
Ang Torneo
(Magpapaseo
ang mga Torneador, martsang mabilis)
Omides: Yayamang
tapos na
ang pagpapaseo
At nakatugtog na
ang mga musiko,
Atin nang simulan
ang pagtotorneo,
At ikaw, Rodante,
ang
mantenedor ko.
Rodante: O mga
gererong
piling panauhin,
Na nangagbuhat pa
sa ibang lupain,
Ang pagtotorneo’y
simulan na natin,
Ang magiging hangga’y
upanding malining.
Si Konde Merkudo
ng Reynong Verona
Ang unang paroon
sa gitna ng plasa.
Merkudo: Ako si
Merkudong kinasisilawan
Ng sangkontinente sa pakikilaban,
Sa pikang kipkip ko at espadang tangan,
Dami ng gerero na nangagsigalang!
Ang lalaking itong sa aki’y nangahas
Ay tuturuan kong sa aki’y mangilag,
Kung ang pinagmula’y isang angkang hamak
Di dapat lumahok sa dugong-mataas.
Alvaro: Bago
pumagitna, hamak na bilyano,
Magpakilala ka sa tanang narito.
Ramudin: Sa
nangalilimping naritong ginoo
Hingi ko’y patawad sa nangyaring ito.
Ang kaliitan ko, O prinsipeng mahal,
Ay iyo na sanang pagpaumanhinan,
Hamak na bilyano itong kalagayan,
Sa tama ay salat at sa karangalan.
Tangi kong puhunan sa torneong ito
Ay pagsintang wagas na di magbabago,
Sa bunying prinsesang sulo ng buhay ko
Liwanag na tanglaw niring pagkatao.
Prinsesa Florinda, ako’y si Ramudin,
Isang dukhang tao’t hamak na alipin,
Sa iyong sanghaya’y walang dalang hain
Maliban sa isang wagas na paggiliw.
Alvaro: (Biglang tatampalin si Ramudin)
Lubha
kang pangahas, taksil na bilyano,
Sampu ng prinsesa’y kinakausap mo!
Rodante: (Galit)
Ang iyong inasal, bunying kapatid ko’y
Di dapat sa isang marangal na tao.
Alvaro: Sa
ginagawa ko’y huwag makialam!
Rodante: Mantenedor
akong dito’y inatasan!
Omides: Alvaro,
Rodante, inyo nang tigilan,
Magpakahinahon, huwag mag-alitan.
Rodante: Patawad,
Ama ko.
Ramudin: Aking
titiisin
Ang sa kay Alvarong ginawa sa akin
Pagka’t kapatid mo’y pinagbigyan ko rin
At di niya natikman ang aking patalim.
Florinda: Lalaking
magiting! Ako’y nabibihag
Ng magandang asal at bayaning tikas,
Dini sa puso ko’y tumimo’t sumugat,
ni Kupidong, busog ng pagliyag!
Omides: Ang
pagtotorneo’y huwag nang babalamin,
Ang mangaglalaba’y pagitna ngayon din.
(Tugtog at
labanan. Magagahis si Merkudo.)
Merkudo: Ako ay
suko na, bilyanong Ramudin,
Tigil ang ulos mo’t pagsaksak sa akin…
(Titigil
ang laban. Si Merkudo ay ihahatid ni Ramudin sa isang silya.)
Rodante: Bilang
mantenedor, dinggin yaring utos:
Si Duke Felino naman ang susunod,
Dito kay Ramudi’y makikipaghamok…
Felino: (Pagigitna)
Atin nang simulan ang pagpapamook!
Sukabang bilyano, tindig mo’y tatagan.
Si Konde Merkudo’y kung nagahis mo man,
Sa mga kaaway ko’y di ka magtatagal
At tatanghalin kang malamig na bangkay.
Ramudin: Kung ako’y
sasamaing-palad sa patayan,
Ang
buhay ko’y hain sa prinsesang mahal.
(Tugtog at
labanan. Maninilapon ang mga espada.)
Felino: Ang mga
espada’y yamang nabitiwan,
Pika ang gamitin natin sa labanan.
Ramudin: Marangal
na duke, ako’y pumapayag.
(Tuloy ang
labanan. Magagahis si Felino.)
Felino: Itigil na
natin itong paglalamas,
Mabunying Ramudin, ang hingi ko’y habag.
Ramudin: Atas lang
ng laro ang ulos ko’y salag.
(Itigil
ang paglalaban.)
Alvaro: Waring
malakas ka, palalong bilyano,
Kaya naman ngayo’y ito ang utos ko,
Donato, Pilipo, Isberto, Panopio,
Siya ay lusubi’t pagtulungan ninyo.
Rodante: Ako’y
tumututol, O Ama kong mahal,
Ang ganyang gagawi’y di makatarungan,
Gayong nag-iisa ay pagtutulungan,
Isa kontra apat: ano’ng kahulugan?
Florinda: O mahal
kong Ina, iyo pong sabihin
Kay Ama na itong laban ay pigilin.
Yolanda: Esposong
Omides, ano’t naaatim
Ang ganyang torneong labag sa tuntunin?
Ramudin: Rosang
masanghaya, Prinsesa Florinda,
Prinsipe Rodante at Reyna Yolanda,
Ang kaliitan ko’y tumatalagang
Lumaban sa apat kahit nag-iisa.
Omides: Yamang
pumapayag ang bilyanong bantog,
Tuloy ang labana’t mga paghahamok…
Florinda: Maghintay,
Ramudin, tanggapin yaring handog
Itong bulaklak kong sa dibdib ay tampok.
(Ihahagis
ang bulaklak. Daramputin ni Ramudin at idarampi sa mga labi.)
Ramudin: Salamat,
Prinsesa, bulaklak mong bigay
Sa
tapat ng puso’y aking ilalagay…
Florinda: At kung
ang puso mo’y samaing tamaan,
Ang kamatayan mo’y aking kamatayan.
Donato: Tigilan,
bilyano, iyang panininta!
Pilipo: Magsisi na
ngayo’y katapusan mo na!
Isberto: Higpitan
ang hawak sa tangang espada!
Panopio: Atin nang
simulan ang pagbabatalya!
(Tugtog at
labanan.)
Florinda: (Sa sarili, habang naglalaban.)
Mahabaging Diyos, Iyong alalayan
Si Ramuding irog sa pakikipaglaban,
Ninanais ko pang ako’y masugatan
Kaysa ang sinta kong aking minamahal.
Birheng maawain, masintahing Ina,
Huwag mong payagang masugatan siya,
Bigyan mo ng lakas si Ramuding sinta,
Apat na kalaba’y nang masupil niya.
(Mag-iibayo
ang bangis ng labanan.)
Omides: Ang
bilyanong ito’y limbas na mistulang
Sumalag ng ulos, magbitiw ng taga,
Sa bilis ng kamay ay lintik na yata
Ang nakakahambing, ako’y humahanga!
(Magagahis
ang apat na kalaban ni Ramudin. Titigil ang musika.)
Donato at Pilipo: Bilyanong
magiting, kami ay suko na!
Isberto at Panopio: Itigil
na natin ang pagbabatalya!
Rodante: Mga
torneador, sinuman sa inyong
May nais humarap sa bilyanong ito,
hayo na’t lumabas sa gitna ng kampo
At ipagpatuloy ang pagtotorneo.
(Maghihintay
ng sagot si Rodante. Walang kikibo.)
Ano kayong lahat ay natitigilan?
Bakit di sumagot, mga kamahalan?
Isang
Torneador: Kami po ay sadyang nahihintakutan.
Ibang mga Torneador: Wala
pong katulad ang bilyanong iyan
Sa liksi at lakas, sa tigas at tapang!
Omides: Kung
gayon, Ramudin, tagumpay ay iyo.
Mabuhay! Mabuhay! Ipaghiyawan ninyo!
Sanggunian:
Sinulat ni Max Allanique at itinanghal noong Nobyembre 1962 ng San Dionisio
Cultural
Society ng San Dionisio ParaƱaque, Rizal sa pamamahala ni Dr. Felecidad Mendoza
Ang galing naman. Pwede ko po bang gamitin ang iskrip na ito para sa isang pagtatanghal sa klase? Salamat po
TumugonBurahin