Huwebes, Mayo 25, 2017

ANG SARHENTONG MUSLIM



ANG SARHENTONG MUSLIM

Natalo ng mga Amerikano ang mga Pilipino sa digmaan noong 1898 kaya nasakop tayo. Maraming mga Amerikano ang naglipana sa ating bayan. Isang heneral na Amerikanong nagngangalang Heneral John Pershing ang nangasiwa sa Mindanao nang magharap sila ng isang sarhentong Muslim. Naasiwa si Heneral Pershing sa sarhento dahil nahihirapan itong maintindihan ang sinasabi niya sa wikang Ingles. Sa inis ng heneral, sinabihan niya ito, “Anong klase kang sundalo, isa kang sarhento sa Philippine Army at hindi ka man lang makapagsalita sa wikang Ingles?” At biglang sumagot ang sarhento, “Anong klase kang baboy? Isa kang heneral sa US Army at hindi ka marunong magsalita ng Tausug?”

Sanggunian: Belvez, Paz M., et al. 2014. Kalinangan 8.
Manila: Rex Book Store, Inc.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

MGA PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA (PART II)

MGA PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA (PART II) May mga pangungusap sa wikang Filipino na maikli lamang at walang paksa ngunit may buong ...