PAGGAMIT NG IMPORMAL NA WIKA
SA KOMUNIKASYON
• Impormal na wika sa
pagsasalita – Ginagamit ang impormal na wika sa pagsasalita sa mga
pagkakataong kailangan ang diskursong pasalita tulad ng paggamit nito sa mga
karaniwang pakikipag-usap na ginagamitan ng mga karaniwang paraan ng
pagsasalitang tulad ng kolokyal, lalawiganin, at balbal.
• Impormal na wika sa
pagsusulat – Ginagamit ang impormal na wika kapag nagsusulat sa mga
kaibigan o kamag-anak, sa pagbubuo ng mga patalastas na nagtatakda ng pulong o
pagkikita; kapag ginagamitan ito ng mga antas ng wika na lalawiganin, kolokyal,
at balbal.
Mga Antas ng Wika:
a.
Lalawiganin
– Wikang ginagamit at laganap sa isang lugar o lalawigan
Halimbawa: kabalen, masanting, napintas
b.
Kolokyal
– Mga pinaikling salita na ginagamit sa araw-araw na pakikipag-usap
Halimbawa: teka muna, meron, kelan
c. Balbal – Mga salitang may impluwensiya ng
kabataan o grupo ng mga taong gumagawa ng sarili nilang paraan ng pagsasalita
Halimbawa: jowa, beki, okat tokat, KSP
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento