Huwebes, Mayo 25, 2017

SA DAPITHAPON Raphael Alejandro Dinopol



SA DAPITHAPON
Raphael Alejandro Dinopol

Sa dapithapon, sa itaas ng pinagtagpi-tagping yerong bubong ng bahay nila, nag-aabang siya ng simoy. Susubuking paliparin ni Pepe ang saranggolang gawa sa luntiang plastik at walistingting.

Habang siya ay tahimik na naghihintay, naupo siya sa isang gulong na nagsisilbing pabigat sa bubong ng kanilang tahanan. Tahimik na nagmasid si Pepe. Kitang-kita niya ang mga pangyayari sa paligid. Sa gawing kaliwa, sa may riles ng tren, masayang naglalaro ang mga bata. Sa gawing kanan, umaalingasaw naman ang dumpsite.

“Pepe,” sigaw ng ina, ”andito na ang mga sampaguita!” Dali-dali siyang pumanaog bitbit ang saranggolang muli na namang bigo sa paglipad.


Sanggunian: Alwin Aguirre at Nonon Carandang, eds. (2011). Dadaanin.
Anvil Publishing: Quezon City, Philippines.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

MGA PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA (PART II)

MGA PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA (PART II) May mga pangungusap sa wikang Filipino na maikli lamang at walang paksa ngunit may buong ...