ANG KARAGATAN
ni Tomas C. Ongoco
May isang tindahan na nakalagay ang mga paninda, mga garapon
ng pagkain at mga de-bote. May dalawang dalaga at apat na binata na nasa
pondahang ito at nasa paligid ng mesa. Maraming tao sa paligid. Isang matandang
lalaki ang lalapit sa ponda.
Tandang Terong: Hmmm… tila matagal nang nakasalang ang sinaing ay di pa ginagatungan.
Isang Manonood: Kailangang gatungan ang sinaing nang maluto’t tayo’y
makakain.
Maring: Ang kahoy na panggatong kaya di masindihan ay higit na
marami ang nasa kalan kaysa kailangan.
Isa pang Manonood: Tama si Maring. Ang isa’y malungkot kaya naghahanap;
dalawaha’y angkop at siyang anong sarap; ngunit pag nagtatlo’y isa na ang kalabisan
Kung di matiyak ni Neneng kung sino sa kanila ang kakausapin, mga kanayon, ano
ang kailangan?
Lahat: Tanging paraa’y ang karagatan.
Tandang Terong: Ayos ka na ba, Neneng?
Neneng: Tumanggi man po ako’y walang mangyayari… kagustuhan din
ninyo ang siyang masusunod.
Tandang Terong: At kayong apat?
Apat na Binata: Opo.
Tandang Terong: Akin na, Neneng, ang iyong singsing…
(Aabutin sa dalaga ang singsing at ihuhulog sa tubig sa
garapon.)
Kayong apat ay magpapalabunutan kung sino ang unang sisisid
sa
singsing na inihulog ni Neneng.
(Palabunutan) At ikaw, Berting, ang unang sisisid sa dagat
ng pagibig
upang makuha ang singsing.
Mga Tao: (Palakpakan)
Isang Tao: Pagbutihin mo binata, at si Neneng ay marami nang nailunod
na
talisuyo sa karagatan.
Berting: Magandang gabi sa inyong lahat.
Mga nariritong kanayon ni Neneng
At sa iyo mutya’y muling nagpupugay,
Ipinangangakong
nahulog na singsing
Aking
sisisiri’t sa ‘yo’y ibibigay
Tanda
ng pag-ibig na walang hanggan.
Dahilan
na ako’y siyang nakabunot
Ng
palitong itong nagpapahintulot
Ako
ay sumisid sa dagat ng nais
At
ang iyong singsing ay aking makamit
Ay
katunayan na ang
Diyos
ang pumili
Na
ako ngang ito’y siya mong itinangi.
Neneng: Ikaw nga ang unang pinili ng Diyos
Sumisid
sa singsing na aking hinulog
Subalit
di upang maging siyang irog
Kundi
idaan lang muna sa pagsubok.
Kaya’t
sisirin mo ang tanong kung ito
At
singsing kong ito ay nang maangkin mo.
Ang
singsing na itong linso’t walang bato
Turan
mong simula at ang dulo nito.
Berting: Tila ang bugtong mo’y sinlalim ng dagat
Na
di matatarok ng isip kong pahat.
Kaya’t
iyong singsing nais kong makuha
Isa
pang pagsubok ang hiling ko sinta.
Kulas: Ang pagkakatao’y isalin sa iba
Nang
di masabing ikaw ay buwaya
Akong
nakabunot ng pang-ikalawa
Inaangking
hirang kanyang karapatan
Sumisid
sa dagat ng singsing mong bugtong
Na
siyang panumbas sa iyong pag-irog.
Neneng: Kung gayon, o Kulas, iyo ng sisirin
Ang lalim ng puno’t dulo niyang singsing.
Kulas: Singsing aking Neneng, walang puno’t dulo
Mayroon
ngang simula at may wakas ito
Ang
simula’y bilog nito na panloob
At
ang katapusa’y panlabas na bilog.
Ganyan
kung gawin, singsing ng pag-ibig.
Kaya’t
nasisid ko singsing mong nahulog.
Neneng: Iyan ang tanong diyan kay Lamberto
Kaya’t heto na naman ang tanong sa iyo;
nang
ikaw’y parito, pamula sa kanto
Ilang
bahay, Kulas, ang naraanan mo?
May
ilaw ay ilan, iyo sanang turan
Tingnan
ko ang tibay ng pang-alaala mo.
Kulas: Salamat Neneng ko’y iyang katanungan
Kay-daling
sagutin kaya’t aking masasabing
Ako’y
tanging mahal; Heto ang tugon ko:
Bahay,
pito lamang at sa mga ito’y
Aking
natandaan, apat ang may ilaw
Ito’y
patotoong isip ko’y malinaw.
Neneng: Kulas, ikaw’y mali sa iyong katugunan
kaya’t
isasalin itong aking tanong
Sa
sinong ikatlong sa tubig lulusong
At
siyang sisisid sa singsing kong bugtong.
Nardo: Ako ang ikatlong dapat subukin mo
Kaya’t
iyong dinggin ang tugon ko’y ito:
Pamula
sa kanto at hanggang sa rito
Walang
bahay ni ilaw akong natandaan
Kundi
itong ponda ni Neneng kong mahal.
Mga Tao: (Palakpakan at kantiyawan)
Neneng: Kung gayon ito naman ang iyong tugunin
Pang-una
sa tatlong iyong sasagutin
Bakit
ba ang tubig sa bilog na mundo
Hindi
tumatapon walang ligwak ito?
Nardo: Sa abot ng isip, narito ang tugon:
Tubig,
bato’t tao, at lahat sa mundo
Ay
di tumatapon dahil sa ang globo
Ay
isang malaki’t mabisang magneto,
Hinihigop
nito ang lahat ng narito
At
sa kalawaka’y di tayo tutungo.
Mga Tao: Magaling! Mabuhay si Nardo!
Neneng: Pangalawang tanong, heto na’t pakinggan.
Paanong
buwang sa langit ay tanglaw
Aking
mahihipo’t mapaglalaruan?
Ito’y
pangarap nang ako’y musmos pa lang…
Kung
talagang ako ay sadyang mahal mo
Paiirugan mo ang hiling kong ito.
Nardo: Salamat, O, Ina, sa pag-aaruga mo,
Noong
ako’y munti’t pinalalaki mo.
Isang
paborito’t ibig kong kuwento
Ay
siyang panugon sa tanong na ito.
Sa
pamamagitan ng isang salamin
Minumutyang
buwan ay pabababain
Kahit
sa kandungan ng mutya ko’t giliw
Mapaglalaruan,
buwang hinihiling.
Mga Tao: Magaling! Iyan ang binata namin!...
Pakinggan natin ang tanong na ikatlo.
Nardo: Ako’y nakahanda sa pangatlong tanong
Singsing
na nahulog aking sisisirin
Sukdang
ikapugto ng hiningang tangan
Kung
gusto ng mutya’y aking maangkin.
Neneng: Ako’y nangangamba, ako’y natatakot
Na
ang huling tanong ay kanyang masagot.
Itong
karagatan isang laro lamang
Ngunit
paglalarong birong katotohanan.
Ayaw
ko na yatang ito ay ituloy
Baka
sa sagutan ako’y maparool.
Tandang Terong: Ituloy mo, apo, bahala na ako.
Neneng: Kung gayon Leonardo, tugunin mo ito.
Kung
tayo’y makasal ay nanaisin ko
Na
magpulot-gata sa bayang Mindoro
Na
ating sasakya’y binalsang kawayan
Na
bigkis ng lubid na pawang hinabi
Sa
buhanging pino’t ikaw ang pipili.
Nardo: Neneng, aking mahal, sadyang mahal kita
Kaya’t
imposible’y pag-aariin pa
Lubid
na buhangin, aking pipiliin
Kung
pababaunan ng aking pagkain
Bawat
isang linggong kakailanganin
Sa
‘sang dahong ipil iyong babalutin.
Neneng: Hindi ba’t ang hiling sa aking nanggaling
Bakit ngayo’y ako ang pasusulitin?
Nardo: Pagka’t paniwalang di ka sinungaling.
Neneng:
Anong batayan ng iyong pasaring? Gawang pandaraya’y…
Nardo: Salamat kung gayon, mutya ko at giliw
Ikaw
ay may wikang tapat at matining;
Nang
iyong sabihing tayo’y kakasalin
Inakalang
tapat ikaw sa paggiliw;
Kaya’t
sa problemang aking haharapin
Kalahati
ka sa tuwa’t sa ligaya gayon din.
Ang
buhanging lubid ay kaya kong gawin
Kung
sa hirap nito’y kasalo ang giliw.
Neneng: yoko’t di tama! Di pa nakakasal
Ni walang sintahan ay mag-asawa na.
Nardo: Di nga mag-asawa ngunit may pagsinta!
Neneng: Ay sayang! sayang na pag-ibig.
Sayang
na singsing kong nahulog sa tubig.
Kung
ikaw rin lang ang siyang sisisid.
Mahanga’y
hintin kong kumati ang tubig.
Tandang Terong: Unang pangyayaring apo’y nayungyungan
Ako ang hahatol. Mabuhay si Nardo!
MATINING
LINSO
TALISUYO
PASARING
MAPAROOL KUMATI
LIGWAK
PAHAT
Itong karagata’y simula ng kuwento.
Mula ngayon, Nardo, sa bahay pumanhik
At doon ihibik, ang iyong pag-ibig.
Pepito: (Iiling-iling at nagkikibit ng balikat)
Mga Tao: Mabuhay si Tandang Terong! Mabuhay!
Mabuhay ang karagatan, aliwang
Pilipino!
BOBO WLANG GANUN!
TumugonBurahinBOBO WLANG GANUN!
TumugonBurahinTHANK YOU FOR HAVING ME THAT
TumugonBurahinDiba po 1 babae lang po yung tas tatlong lalaki?
TumugonBurahinHard Rock Hotel and Casino, Las Vegas, NV - Mapyro
TumugonBurahinHard Rock Hotel and Casino, Las Vegas, NV. 4000 West 김제 출장샵 Sahara 남원 출장안마 Boulevard 삼척 출장샵 South Las 당진 출장마사지 Vegas, 통영 출장안마 NV 89109. Coordinate: 7611.144112. Coordinate: 11.131886281326.