Martes, Mayo 23, 2017

ANG KARAGATAN

ANG KARAGATAN
ni Tomas C. Ongoco

May isang tindahan na nakalagay ang mga paninda, mga garapon ng pagkain at mga de-bote. May dalawang dalaga at apat na binata na nasa pondahang ito at nasa paligid ng mesa. Maraming tao sa paligid. Isang matandang lalaki ang lalapit sa ponda.

Tandang Terong:             Hmmm… tila matagal nang nakasalang ang sinaing ay di pa ginagatungan.

Isang Manonood:             Kailangang gatungan ang sinaing nang maluto’t tayo’y makakain.

Maring:                           Ang kahoy na panggatong kaya di masindihan ay higit na marami ang nasa kalan kaysa kailangan.

Isa pang Manonood:        Tama si Maring. Ang isa’y malungkot kaya naghahanap; dalawaha’y angkop at siyang anong sarap; ngunit pag nagtatlo’y isa na ang kalabisan Kung di matiyak ni Neneng kung sino sa kanila ang kakausapin, mga kanayon, ano ang kailangan?

Lahat:                                       Tanging paraa’y ang karagatan.

Tandang Terong:             Ayos ka na ba, Neneng?

Neneng:                          Tumanggi man po ako’y walang mangyayari… kagustuhan din ninyo ang siyang masusunod.

Tandang Terong:             At kayong apat?

Apat na Binata:               Opo.

Tandang Terong:             Akin na, Neneng, ang iyong singsing…
(Aabutin sa dalaga ang singsing at ihuhulog sa tubig sa garapon.)
Kayong apat ay magpapalabunutan kung sino ang unang sisisid sa
singsing na inihulog ni Neneng.
(Palabunutan) At ikaw, Berting, ang unang sisisid sa dagat ng pagibig
upang makuha ang singsing.

Mga Tao:                        (Palakpakan)

Isang Tao:                       Pagbutihin mo binata, at si Neneng ay marami nang nailunod na
talisuyo sa karagatan.

Berting:                          Magandang gabi sa inyong lahat.
Mga nariritong kanayon ni Neneng
At sa iyo mutya’y muling nagpupugay,
Ipinangangakong nahulog na singsing
Aking sisisiri’t sa ‘yo’y ibibigay
Tanda ng pag-ibig na walang hanggan.
Dahilan na ako’y siyang nakabunot
Ng palitong itong nagpapahintulot
Ako ay sumisid sa dagat ng nais
At ang iyong singsing ay aking makamit
Ay katunayan na ang
Diyos ang pumili
Na ako ngang ito’y siya mong itinangi.

Neneng:                          Ikaw nga ang unang pinili ng Diyos
Sumisid sa singsing na aking hinulog
Subalit di upang maging siyang irog
Kundi idaan lang muna sa pagsubok.
Kaya’t sisirin mo ang tanong kung ito
At singsing kong ito ay nang maangkin mo.
Ang singsing na itong linso’t walang bato
Turan mong simula at ang dulo nito.

Berting:                          Tila ang bugtong mo’y sinlalim ng dagat
Na di matatarok ng isip kong pahat.
Kaya’t iyong singsing nais kong makuha
Isa pang pagsubok ang hiling ko sinta.

Kulas:                                       Ang pagkakatao’y isalin sa iba
Nang di masabing ikaw ay buwaya
Akong nakabunot ng pang-ikalawa
Inaangking hirang kanyang karapatan
Sumisid sa dagat ng singsing mong bugtong
Na siyang panumbas sa iyong pag-irog.

Neneng:                          Kung gayon, o Kulas, iyo ng sisirin
Ang lalim ng puno’t dulo niyang singsing.

Kulas:                                       Singsing aking Neneng, walang puno’t dulo
Mayroon ngang simula at may wakas ito
Ang simula’y bilog nito na panloob
At ang katapusa’y panlabas na bilog.
Ganyan kung gawin, singsing ng pag-ibig.
Kaya’t nasisid ko singsing mong nahulog.

Neneng:                          Iyan ang tanong diyan kay Lamberto
Kaya’t heto na naman ang tanong sa iyo;
nang ikaw’y parito, pamula sa kanto
Ilang bahay, Kulas, ang naraanan mo?
May ilaw ay ilan, iyo sanang turan
Tingnan ko ang tibay ng pang-alaala mo.

Kulas:                                       Salamat Neneng ko’y iyang katanungan
Kay-daling sagutin kaya’t aking masasabing
Ako’y tanging mahal; Heto ang tugon ko:
Bahay, pito lamang at sa mga ito’y
Aking natandaan, apat ang may ilaw
Ito’y patotoong isip ko’y malinaw.

Neneng:                          Kulas, ikaw’y mali sa iyong katugunan
kaya’t isasalin itong aking tanong
Sa sinong ikatlong sa tubig lulusong
At siyang sisisid sa singsing kong bugtong.

Nardo:                                      Ako ang ikatlong dapat subukin mo
Kaya’t iyong dinggin ang tugon ko’y ito:
Pamula sa kanto at hanggang sa rito
Walang bahay ni ilaw akong natandaan
Kundi itong ponda ni Neneng kong mahal.

Mga Tao:                        (Palakpakan at kantiyawan)

Neneng:                          Kung gayon ito naman ang iyong tugunin
Pang-una sa tatlong iyong sasagutin
Bakit ba ang tubig sa bilog na mundo
Hindi tumatapon walang ligwak ito?

Nardo:                                      Sa abot ng isip, narito ang tugon:
Tubig, bato’t tao, at lahat sa mundo
Ay di tumatapon dahil sa ang globo
Ay isang malaki’t mabisang magneto,
Hinihigop nito ang lahat ng narito
At sa kalawaka’y di tayo tutungo.

Mga Tao:                        Magaling! Mabuhay si Nardo!

Neneng:                          Pangalawang tanong, heto na’t pakinggan.
Paanong buwang sa langit ay tanglaw
Aking mahihipo’t mapaglalaruan?
Ito’y pangarap nang ako’y musmos pa lang…
Kung talagang ako ay sadyang mahal mo
Paiirugan mo ang hiling kong ito.

Nardo:                                      Salamat, O, Ina, sa pag-aaruga mo,
Noong ako’y munti’t pinalalaki mo.
Isang paborito’t ibig kong kuwento
Ay siyang panugon sa tanong na ito.
Sa pamamagitan ng isang salamin
Minumutyang buwan ay pabababain
Kahit sa kandungan ng mutya ko’t giliw
Mapaglalaruan, buwang hinihiling.

Mga Tao:                        Magaling! Iyan ang binata namin!...
Pakinggan natin ang tanong na ikatlo.

Nardo:                                      Ako’y nakahanda sa pangatlong tanong
Singsing na nahulog aking sisisirin
Sukdang ikapugto ng hiningang tangan
Kung gusto ng mutya’y aking maangkin.

Neneng:                          Ako’y nangangamba, ako’y natatakot
Na ang huling tanong ay kanyang masagot.
Itong karagatan isang laro lamang
Ngunit paglalarong birong katotohanan.
Ayaw ko na yatang ito ay ituloy
Baka sa sagutan ako’y maparool.

Tandang Terong:             Ituloy mo, apo, bahala na ako.

Neneng:                          Kung gayon Leonardo, tugunin mo ito.
Kung tayo’y makasal ay nanaisin ko
Na magpulot-gata sa bayang Mindoro
Na ating sasakya’y binalsang kawayan
Na bigkis ng lubid na pawang hinabi
Sa buhanging pino’t ikaw ang pipili.

Nardo:                                      Neneng, aking mahal, sadyang mahal kita
Kaya’t imposible’y pag-aariin pa
Lubid na buhangin, aking pipiliin
Kung pababaunan ng aking pagkain
Bawat isang linggong kakailanganin
Sa ‘sang dahong ipil iyong babalutin.

Neneng:                          Hindi ba’t ang hiling sa aking nanggaling
Bakit ngayo’y ako ang pasusulitin?

Nardo:                                      Pagka’t paniwalang di ka sinungaling.

Neneng:                          Anong batayan ng iyong pasaring? Gawang pandaraya’y…

Nardo:                                      Salamat kung gayon, mutya ko at giliw
Ikaw ay may wikang tapat at matining;
Nang iyong sabihing tayo’y kakasalin
Inakalang tapat ikaw sa paggiliw;
Kaya’t sa problemang aking haharapin
Kalahati ka sa tuwa’t sa ligaya gayon din.
Ang buhanging lubid ay kaya kong gawin
Kung sa hirap nito’y kasalo ang giliw.

Neneng:                          yoko’t di tama! Di pa nakakasal
Ni walang sintahan ay mag-asawa na.

Nardo:                                      Di nga mag-asawa ngunit may pagsinta!

Neneng:                          Ay sayang! sayang na pag-ibig.
Sayang na singsing kong nahulog sa tubig.
Kung ikaw rin lang ang siyang sisisid.
Mahanga’y hintin kong kumati ang tubig.

Tandang Terong:             Unang pangyayaring apo’y nayungyungan
Ako ang hahatol. Mabuhay si Nardo!

MATINING
LINSO
TALISUYO
PASARING
MAPAROOL KUMATI
LIGWAK
PAHAT
Itong karagata’y simula ng kuwento.
Mula ngayon, Nardo, sa bahay pumanhik
At doon ihibik, ang iyong pag-ibig.

Pepito:                                     (Iiling-iling at nagkikibit ng balikat)

Mga Tao:                        Mabuhay si Tandang Terong! Mabuhay!
Mabuhay ang karagatan, aliwang Pilipino!



5 komento:

MGA PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA (PART II)

MGA PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA (PART II) May mga pangungusap sa wikang Filipino na maikli lamang at walang paksa ngunit may buong ...